Kasanayang Panggramatika at Pandiskurso

Ang gramatika ay tumutukoy sa kawastuhan ng pahayag. Kinasasangkutan ito ng iba’t ibang bahagi ng pananalita, mga lipon ng mga salita, pahayag, at pangungusap. Ang mga sumusunod ay mga patnubay hinggil sa mabisang pagpapahayan na isinasaalang-alang ang gramatika:

  1. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap
  2. Tiyaking wasto ang mga aspekto ng pandiwa sa pangungusap.
  3. Iwasan ang pagsasama-sama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap.
  4. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at pantulong na sugnay.
  5. Kapag ang paksa ay hindi gumaganap ng kilos, gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa.
  6. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.

Leave a comment