Mga Uri ng Maikling Kuwento

Ayon kina Semorlan(2012), may iba’t ibang uri ang maikling kuwento. Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Kuwento ng Tauhan- Ang pokus o tuon ng kuwentong ito ay nasa pangunahing tauhan. Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang sa kanila ng isang mambabasa.
    Halimbawa:Walong Taong Gulang(Buod)
    ni Genoveva Edroza-Matute
    iginawa ni Karl BañagaSi Bb. de la Rosa ay nagtuturo ng animnapung estudyante ngunit may isang batang may kaitiman, sarat na ilong at makapal na labi ang nakaagaw ng kanyang pansin. Leoncio Santos ang pangalan ng batang ito. Si Leoncio ay hindi kagaya ng kanyang mga kaklase, mag-isa siya palagi at hindi siya masyadong nakikipaglaro sa kanila. Magaling siya sa klase  ngunit siya’y hindi nangunguna sa kadahilanang may mga panahong ang atensyon nito ay wala sa paaralan. Isang araw, lumiban si Leoncio dahil siya ay nahilo. Sa sumunod na araw, kinumusta siya ng kanyang guro at pinagsabihang kumain ng maraming gulay at itlog. Sa isang pagkakataong nakita ni Bb. de la Rosa na sa panahon ng pananghalian ay walang kinakain si Leoncio at tila tinitingnan lamang nito ang pagkain ng iba ay napag – alaman niyang palaging walang baon ang isa sa kanyang mga estudyante. Pagkalipas ng ilang buwan, wala pa ring pagbabago kay Leoncio. Nang lumiban sa pasok ang bata ng halos limang araw ay binisita siya ng kanyang guro sa kanilang tahanan. Nakilala ni Bb. de la Rosa ang ina ni Leoncio at nakita niya rin ang tunay na kalagayan ng bata.

     

  2.  Kuwento ng katutubong kulay
    – Binibgyang-diin sa kuwentong ito ang kapaligiran ng pinangyarihan, ang mga kaugalian at mga pananamit ng mga tahuan, at ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
    May Daigdig Sa Karagatan
    ni Clemente Bautista
    iginawa ni Karl BañagaBahagyang nakapawi sa pangambang nakasuno sa kanyang kalooban ang simoy na iyon na nagmula sa laot. Sumiksik sa kanyang diwa ang unti-unting pananalat ng isda sa dagat. Sa bahagyang liwanag niyon nanakikipag-agawan sa karimlan ng gabi at sa tama ng aandap-andap na ningas ng parol ay minasdan niya ang tahimik na dagat. Tila salamin iyon ng kahalikang langit na nasasabugan ng mga bituing pumikit-dumilat ang liwanag. Hindi siya kumibo noon bagama`t may namugad na poot sa bata niyang puso. Napatuon ang kanyang paningin sa bagong sumisikat na araw sa ituktok ng bundok. Maliwanag, maningning, at uminit ang sikat. May sumilid na kasiyahan sa kanyang puso. Pumikit siya.
  3. Kuwento ng katatawanan
    – Ang layunin ng kuwentong ito ay magpatawa at bigyang-aliw ang mambabasa.
    Sa Pula,Sa Puti
    ni Francesco Soc Rodrigo
    iginiawa ni Raina PaidumamaNagsimula ang pagsasalaysay ng iisahing yugtong dula sa paglalarawan ng karaniwang tanawin sa lalawigan sa pamamahay nina Kulas at Celing malapit sa sabungan sa panahong kasalukuyan. Matatambad na nagsusulsi si Celing habang tulad ng nakagawian na’y nagpapausok mula sigarilyo si Kulas ng tinaling manok. Bagay na gustong pagselosan ng asawa. Kinamusta man din ni Kulas ang asawa bagay na manghihingi na naman siya ng perang pangsabong. Pinagtalunan nila ang mga grasya o disgrasya ng mga pinaniniwalaang palatandaang panaginip ni Kulas. At ngayon na naman ay hinabol siya ng puting kalabaw na pinagpipilitang pera ang ibig sabihin. Maririnig na naman ang ingay ng sabungan, tiningnan ni Celing ang balisang asawa at naisip na walang saysay ang makipagtalo kaya’t binigyan na lamang niya ito ng pera.

    Nagmamadaling tumungo si Kulas sa sabungan na nasalubong ang kaibigan ng asawang si Sioning papunta sa kanila. Kaya naman inutusan ni Celing ang utusang medyo mahina ang ulong si Teban na pumusta sa sabungan sa katalo ng manok ng asawa. Ipinaliwanag niya sa nagtatakang si Sioning na pumupusta siya sa kalabang manok ng asawa para siguradong hindi sila magugutom o mawalan ng pera sa kakasabong nito.

    Natapos ang sultada, tumatakbong umuwi at ibinigay ni Teban ang nanalong pusta kay Celing. Lalabas na lamang sila ni Sioning upang bumili ng rasyong sabon nang masalubong ang talunang si Kulas. Lumo namang nitong sinusumpa na hindi na magsasabong pang muli, bagay na hindi isinusulat na lamang ni Celing sa tubig.

    Nagkataong dumating din ang kaibigan ni Kulas na si Castor na naghimok na magsabong muli. Tinuruan din siya ng pandaraya sa pamamagitan ng paglagay ng karayom sa sariling tinali upang matalo ito’t lihim na pagpusta sa kalabang manok.

    Sa pagbalik ng kanyang asawa ay hiningan niya ito ng dalawampung pisong pangpusta upang makabawi sa marami nilang pagkatalo. Nangako pang, ito’y ang kahuli-hulihang pagsabong niya at ipinatestigo kay Sioning na pakakatay niyang lahat ang kanyang mga tinali. Tulad ng dati’y nagpapusta si Celing kay Teban ng parehong halaga sa kalabang manok.

    Pinayuhan siya ng kaibigan na huwag masyadong magtiwala sa kahit sino basta’t patungkol sa pera. Ngunit hindi siya nag-alala sa pera sapagkat matalo man siya dehadong panalo pa rin ang asawa kundi sa patuloy na pagsasabong nito at masamang ibubunga nito.Nagtatakang sinalubong niya ang nanlulumong si Kulas na sinisisi na naniwala pa siya kay Castor. Itinanong niya agad kung nasaan ang pinalanunan nito. Dito na sila nagkabukingan ,nagtaka si Kulas na pagpilitang nanalo siya na hindi naman. Pinagdudahan nila si Teban na kumuha ng pera na umaming pinataya ni Celing ang pera sa kalabang manok ni Kulas at natalo. Nagalit man si Kulas na kinakalaban siya ng asawa datapwat umamin din siyang nandaya siya’t pumusta din sa kalaban, na siya nitong ikinatalo.

    Natalo man sila ng apatnapung piso, laking tuwa at pasasalamat pa rin ni Celing na hindi na muling magsasabong si Kulas at kakatayin nilang lahat ang tinali bilang pangako na rin ng asawa. Ipinaimbitahan niya kay Sioning ang mga kaibigan at ipinahanda kay Teban ang gagamitin sa pagluluto.

    Nakitawa na lang din si Kulas. Maririnig na naman ang sigawan sa sabungan. Ngunit makikita sa kilos ni Kulas na hindi na muling magsasabong pa kailanman.

  4. Kuwento ng Sikolohiko
    – sa ganitong uri ng kuwento ay may kahirapang ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang kailangan ng kuwentong ito’y maipadama sa mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.KESA AT MORITO
    ni Ryunosuke Akutagawa
    iginawa ni Raina Paidumama
    Si Morito at si Kesa ay matagal ng magkakilala at nag-iibigan sapagkat si Kesa ay isang klaseng babae na talagang bagay na bagay kay Morito dahil sa kanilang pagkakatulad . Pero isang pangyayari ang naganap sa dalawa ng isinama si Morito ng kanyang ama sa Estados Unidos upang doon pag aralin. Dahil doon ay naiwang mag-isa si Kesa. Lubhang ikinalungkot ni Kesa ang pag-alis ni Morito. Kaya naman ay nagkaroon si Wataru ng pagkakataon na pa ibigin si Kesa. Dahil nga sa pag-ibig niya rito ay nag-aral pa siya ng paggawa ng tula. At di naman nagtagal ay na pa ibig nya rin si Kesa. Pero sa totoo ay ang laman pa rin ng puso ni Kesa ay para kay Morito pa rin. Ilang taon ang nakalipas nang magbalik si Morito. Dumiretso agad ito sa kanyang tiyahin na si Komorogawa. Muling nagkita ang dalawa sa bahay ni Komorogawa at nagkaroon ng pagkakataon na muling maka-usap niya si Kesa. Sa tulay ng Watanabe niyang naka-usap ng ganap si Kesa dahil di niya kasama si Wataru at ng araw na iyon ay isinama siya ni Kesa sa kanilang bahay. Wala pa noon si Wataru sa mga oras na iyon. Nagtalik ang dalawa at iniutos ni Morito na patayin nila si Wataru, nagulat na lamang ito ng sumang-ayon si Kesa. Nandiri siya at dito lamang niya nakilala ang tunay na ugali ni Kesa. Napagkasunduan nila na si Morito ay darating sa bahay na iyon sa pag lubog ng araw at siguraduhin na si Wataru lamang ang nasa loob ng kwarto. Dumilim na ang paligid nagsimula na si Kesa at pinaghandaan ang mga binabalak para sa pag patay kay Wataru. Sa mga oras na iyon lamang niya napagtanto na mali ang kanilang binabalak at dapat pa ngang siya ang mamatay dahil sa pag nagawang kataksilan nito sa kanyang asawa na si Wataru. Narinig na niya ang mga yapak ng paa ni Morito. Pinatay niya ang lampara at nahiga sa higaan. Dumating na si morito at ingat na ingat sa mga kilos. Sinaksak niya ito ngunit ang hindi niya alam ay si Kesa ang taong naroon sa mga sandaling iyon at aksidenteng napatay niya si Kesa.

    Ayon naman kay Koontz(1999), may dalawang malawak na apngkat ang mga kuwentong ating nababasa ang mga kuwentong tiyak na kategorya at ang mga kuwentong karaniwan. Nabibilang sa unang pangkat ang mga sumusunod:

  5. . Science Fiction – ito’y isang akdang masining na ginagampanan ng mga tauhang binuo ng mayamang imahinasyon ng manunulat. Ang mga piling tauhan dito’y may taglay na suliraning makahaharap nila sa isang malayong planeta o di kaya’y sa malayong hinaharap ng daigdig ngunit may mapanghahawakang maka-agham na paniniwala.Halimbawa ng Sci Fi na Maikling Kuwento
  6. Pantasya – Mga kuwento ito ukol sa mahika o sa mga supernatural ngunit walang batayang maka-agham.

    Ang Maikling Kwento ng Dalawang Anghel
    iginawa ni Kenyth Sunada

    Dalawang Anghel lumakbay at habang naglalakbay silay ginabi at humanap ng matuluyan, at may nakitang malaking bahay.Sabi ng nakbabatang anghel na doon silang pumunta kasi baka patuluyin sila.Kumatok sila at bumukas ang pinto at may isang matandang lalaki at may sinuot sa gintong kuwintas na nakakasilaw.Nagtanong yung nakatatandang anghel kung pwede silang makituloy.Matagal sumagot yung matanda pero pinatuloy pa rin niya ang mga anghel , sa masikip silang natulog at walang kinain at may nakitang butas ang nakatatandang anghel sa dingding at inayos ito. Kinabukasan sila ay nagpasalamat at naglakbay uli sa isang bukid.Nagugutom na ang nakababatang angel pero may nakitang kubo ang nakatatandang anghel at ito ay pinuntahan nila, may nakita silang magasawang matanda, makita na sa kanilang tindig ang hirap ng buhay. Tumanong ang naktatandang anghel kung pwede sila makikain at oo naman ang sagot ng magasawa at pinatuloy pa nila sa kanilang bahay kasi gabi na. Binigyan ng magasawa sa kanila ang tanging pagkain nila pero hindi parin nabusog ang nakababatang anghel at silay ay ipinatulog sa kanilang higaan at ang mga matanda ay natulog sa sahig. Kinabukasan nagising ang nakababatang angel sa iyank ng matanda dahil namatayan sila ng baka ang tanging kayamanan nila. Pumunta siya sa isang anghel at nagreklamo at sabi na “ Bakit mong inasikaso ang ding ding ng matapobre na mayaman at hinayaan mong mamatay ang baka ng matatanda na halos lahat ibinigay sa atin.” At ang sabi ng nakatatandang anghel na sa butas sa ding ding may amaraming kayamanan at dahil siya ay matapobre tinakpan ko ang butas, kagabi pumunta ang anghel ng kamatayan at kinukuha ang matandang babae pero dahil sila ay mabait ang kanilang baka ang aking ibinigay.”

  7. Misteryo – sa kuwentong ito, ang krimen ay ilalahad sa binabasa ngunit walang mapagkakakilanan sa kriminal; mula sa pangitaing ito, uusad ang kuwento pabalik tungo sa paglutas ng krimen.
    Ang Sayaw na pangkasal
    ni Amador Daguio
    iginawa ni Rasheed NonoAng kuwentong ito ay tungkol sa dalawang magkatribung nagngangalang Lumnay at Awiyao. Ayong sa kanilang tribo kailangang si Awiyao kumasal dahil si Lumnay ay di makapaggawa ng anak. Ganito na talaga ang tradisyon ng kanilang tribo. Umaway sila dahil, kailangan ni Awiyao humanap ng ibang babae at sinabi ni Awiayo na wala namang magagawa si Lumnay at naging mapagmahal naman Ito na asawa.

    Upang maging masaya si Lumnay ay pinilit ito ni Awiyao na pumunta sa sayaw, kung saan doon hahanap si Awiyao ng asawa. Para din , kung saan makahanp rin si Lumnay ng bagong asaw. Pero pumilit ni Lumnay na umalis na lamang. Naging malungkot ito dahil dumasal sila sa kanilang Bathala at sumakripisyo ng maraming manok upang magkaroon ng anak. Habang paalis na si Lumnay ay binigyan niya ito si Awiyao ng mamahaling perlas na galling daw sa mga singkit mata. Lumitas si Lumnay sa isang burol kung saan una sila nagkita ni Awiayao, at sa sarili kong opinion, nag pakamatay na lamang.

  8. Suspense- sa simula pa laang ang kuwentong ito ay alam na ang salarin. Gugulong ang kuwento na mayroong habulan at maliliit na ay hahantong sa paghaharap ng protagonista at atagonista.

    Flight 666
    -Shake Rattle and Roll
    iginawa ni Rasheed Nono

    Ang flight 666 ay tungkol sa isang palipad ng isang komersyal na eroplano sa hatinggabi. Kaunti lamang ang sumakay sa eroplano dahil ito ay sa hatinggai at patungong Zamboanga. Mga 10 lamang ang sumakay ng eroplano May isang buntis, kasama ang nanay. Hindi alam ng lahat maliban sa mag-ina na ang sanggol pala ay isang engkanto, (isang uri ng halimaw sa kultura ng Pilipino).

    Noong nanganak ang babae ay namatay siya. Namatay rin ang sanggol. Ilang minnuto ang nalipas at tiyanak pala ang sanggol (isang uri ng halimaw) . Doon sa eroplano ay napatay niya ang 6. Nakadaong na ang eroplano sa paliparan, at nakatakas ang mga natirang buhay. Sa likod pala nila, ay andoon ang tatay ng tiyanak.

 

 

 

 


Leave a comment